erwan-at-anne-copy

IKAKASAL na si Anne Curtis sa kanyang long-time boyfriend na si Erwan Heussaff.

Ibinahagi ng magkasintahan, ang kanilang engagement sa pamamagitan ng isang travel blog na ipinost ni Anne sa kanyang Facebook page kahapon.

“New York City Marathon & Connecticut. (Most memorable trip of my life),” caption ng actress sa six-minute video na nagpapakita kay Erwan na lumuluhod sa kanyang harapan para alukin siya ng kasal sa gitna ng kakahuyan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I’ve never been more sure of anything in my life,” sabi ni Erwan bago sinambit ang tanong.

Emosyonal na “yes” ang isinagot ni Anne.

Laman ng video ang highlights ng relasyon ng magkasintahan na nagsimula noong 2010.

Sa Instagram, ipinahayag ni Anne ang pagmamahal niya sa kanyang Filipino-French fiancé.

“Je t’aime mon amour @erwanheussaff,” caption ng aktres sa litrato nila na naghahalikan sa gilid ng isang batis.

Nag-post din si Erwan sa kanyang Instagram account ng litrato nilang magkahawak-kamay.

“She’s a keeper,” patukoy kay Anne na caption niya sa litrato.

Nag-tweet ng pagbati ang Viva, ang talent management agency ng aktres.

Hinihintay na lamang ngayon ng fans ang petsa ng kanilang kasal.

Naging usap-usapan na hindi na rin magtatagal ang pag-aalok ng kasal ni Erwan sa dalaga nang magkasunud-sunod ang pagpapakasal ngayong taon ng mga kaibigan ni Anne na sina Georgina Wilson, Isabelle Daza at ng kapatid ni Erwan na si Solenn. (NOREEN JAZUL)