ogie-copy-copy

KUMPIRMADO nang pinalitan ni Ogie Alcasid si Jed Madela bilang isa sa mga hurado ng Your Face Sounds Familiar (YFSF) na simula sa Enero 2017 ay mga batang contestants naman ang mapapanood.

Bagamat sinulat na namin ang panig ni Jed sa pagkawala niya sa YFSF ay hiningi pa rin namin ang panig ng program manager ng show na si Ms Lani Gutierrez.

“Nu’ng nag-brainstorming kami for the show, since kids ‘yan, dapat siguro parent ang judges para alam nila ‘yung dynamics sa mga bata. ‘Tapos naisip lang namin si Ogie nu’ng nakikita namin siya rito kasi may guestings siya. At that time hindi pa naman siya inaalok pa yata, guesting lang. Kaya sabi ni Lui (Andrada, business unit head), Ogie is perfect.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

 

“Kaya do’n na nabuo, ‘tapos si Jed tinawagan ko mismo and in-explain ko ‘yung sitwasyon at naintindihan niya. Hindi siya tinanggal dahil siya pa rin naman sa adult. Itong kids edition, si Ogie,” klarong paliwanag ni Lani.

 

Obviously, hindi pumuwede si Jed dahil hindi pa siya parent. Bakit si Ogie ang napili?

 

“Bakit naman hindi? Icon siya in terms of music, saka alam niya ‘yung dynamics nga, malaki ang maitutulong niya sa show in terms of music kasama nina Gary V (Valenciano) at Sharon (Cuneta),” sagot sa amin. “Sige, mag-isip ka ng puwedeng maging judge na may alam sa music, ‘yung alam ang dynamics para sa mga bata?”

 

Tinanong naman si Ogie kung bakit ngayon lang siya lumipat sa ABS-CBN.

 

“Hindi po kasi madali mag-decide especially when you’re at the crossroads of your career,” sagot ng singer/songwriter/TV host. “ Marami ka nang ginawa. Bakit ngayon lang? I guess it was time. Sabi nga, in God’s perfect time. Pero parang ito ‘yung perfect time na ginawa ni God for me to come back. So, ‘yun lang. Siya ‘yung parang nagmaniobra ng lahat para maging ito ‘yung tamang oras for me to come back. You know, hindi naman siya isang gabi lang nangyari, it was a process. Nagkataon lang na naimbitahan ako lagi dito mag-guest sa ASAP at kung saan-saan pa.”

 

Nabanggit din ni Ogie na tinanggap niya ang offer ng Dos dahil complete package ang nakita niyang oportunidad, puwede siyang mag-compose ng mga awitin para sa ibang singers ng network, puwede siyang mag-host, at higit sa lahat ay gusto niyang magkaroon ng sitcom.

“’Yung straight sitcom talaga, ha? Kasi mahirap ang maraming characters, kaya gusto ko isang role lang ‘til the end,” aniya.

 

Hindi agad nakasagot si Ogie nang tanungin kung bakit hindi siya dumiretso kaagad sa paglipat, sumegue pa muna siya sa TV5.

 

“Eh, kasi at that time they (TV5) offered also the same platform. I won’t explain what happened. It changed, things changed. And ganu’n ang nangyari, eh. Grabe... ang safe (ng sagot),” pabirong sabi niya.

 

Klinaro rin ni Ogie na hindi siya nagkaroon ng executive position sa TV5, tumulong lang daw siya roon.

 

“But I want to say this, I am very, very thankful to them (TV5) for all that they offered and love for me, things happened for a reason and we don’t know. Hindi natin (hawak ang mangyayari) and my respect for the owner MVP (Manny V. Pangilinan) and the rest of the executives will remain and same goes to GMA-7, all my respect to them,” seryosong sabi ni Ogie.

 

Follow-up question ni Manay Ethel Ramos, kung totoo na ang isa sa mga dahilan ng paglipat niya sa Dos ay dahil mas malaki ang talent fee niya kumpara sa offer ng ibang network.

 

Nag-isip sandali si Ogie bago sumagot ng, “’Yung usaping pera kasi, I don’t really wanna talk about it. I don’t think it’s ethical for me to talk about it. But it has never been the priority of mine (money). As I said, I’ll go where the work is, and I stand by that.

 

“At the time, that’s where I felt that I would be able to use the gifts that I was given. So I went there (Kapatid Network). Hindi naman kaila sa inyo na malapit ako kay MVP (ninong sa kasal nila ni Michelle Van Eimeren at ni Regine Velasquez).

 

“He needed help. He felt that I could help. So I went there. It was a commitment that I made, and I fulfilled that commitment. Now, I’m being offered to work again. ‘Yun lang naman ‘yun. It’s never about money, it’s about work.”

 

Samantala, masaya si Ogie na muli niyang nakita ang mga kaibigan niya sa Kapamilya Network.

 

“Nakita ko ulit lahat ng mga kaibigan ko. Actually, pinaalala nila sa akin, ‘Alam mo, dito ka naman talaga nagsimula.’ Sabi ko, ‘Oo nga, ano?’”

 

Sa ABS-CBN nakilala ni Ogie si Michelle Van Eimeren nang magsibi siyang tourist guide sa mga kandidata ng 1994 Miss Universe na ginanap dito sa Pilipinas at ang Dos ang may hawak ng coverage.

“Naaalala ko pa no’n, sabi sa akin ni Tita Cory Vidanes, ‘Hey, how would you like to be seen all over the world?’

Sabi ko, ‘How is that possible?’ ‘You will be the tourist guide of all the candidates.’ To this very day, naalala ko ‘yun. Sabi ko, ‘Ang gandang exposure niyan, ha.’ ‘Yun, na-expose ako nang na-expose. So, that memory was very fresh when I started coming back here.

 

“And then, ‘yun, nag-usap kami nang nag-usap (ng management) and then they offered me a program. Kaya nga sabi ko, minaniobra ng ating Lord. Wala akong kinalaman dito.

 

“Grabe ‘yung energy ko. Para akong nagkape ng marami. It feels good. I am very excited, especially dahil meron tayong TV show. Ang ganda ng salubong ng 2017,” napangiting sabi ni Ogie. (REGGEE BONOAN)