MAGAGANAP ang showdown ng “Superstar” at ng “Star for All Seasons” ngayong Sabado ng hapon sa #LIKE at si Christopher de Leon ang isa sa mga magiging hurado.

Laging nagba-viral ang uploaded videos ng guesting nina Teri Aunor bilang Nura at Onse Tolentino bilang Velma —impersonators ng mga haligi ng Philippine Cinema na sina Nora Aunor at Vilma Santos. Sa katunayan, ang kanilang video na nagbabatuhan sila ng classic Nora and Vilma movie lines, ay umabot na sa mahigit four million views.

Pero ngayong Sabado, wawakasan na ang rivalry nina Nura at Velma sa Pamaskong handog ng #LIKE at magkakaalaman na kung sino sa “Superstar” at “Star For All Seasons” ang tunay na Star ng Pasko.

Magsisimula ang kanilang paistaran sa mala-Metro Manila Film Festival Parade. Sasakay si Nura sa My Blue Hawaii float at si Velma naman sa karosa ng Dyesebel at Ang Mahiwagang Kabibe.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

May tatlong yugto rin ang kanilang bakbakan: ang batuhan ng mga linya sa pelikula na may Christmas twist; lip synching ng kanya-kanyang version ng I Saw Mommy Kissing Santa Claus; at dance number na naka-costume ng iconic superhero characters na ginampanan ng kanilang mga idolo — sina Super Gee at Darna.

 

Ang hurado, siyempre ang 100 miyembro ng taumbayan likers, kabilang ang isang surprise liker guest na parehong malapit sa dalawa — si Boyet.

 

Samahan sina Tom Rodriguez at Balang ngayong Sabado sa Christmas Special episode ng #LIKE pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.