Sa kabila ng mga paghihigpit na ipinatutupad sa New Bilibid Prison (NBP), hindi pa rin maubus-ubos ang mga kontrabando sa loob ng nasabing bilangguan.

Ito ay matapos muling magsagawa ng raid ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF) at Bureau of Corrections (BuCor) sa maximum security compound ng bilangguan.

Nasamsam sa nasabing raid ang dalawang granada, natagpuan sa basketball court, tatlong .45 caliber pistol, at .22 caliber baril.

Napag-alaman na nakatanggap ng report ang SAF at BuCor na may natitira pang mga armas sa loob ng bilangguan kaya agad nilang sinalakay ang lugar at nagresulta sa pagkakakumpiska sa nasabing mga armas. (BETH CAMIA)

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!