Muling nagpalabas ng massive manhunt operation ang Quezon City Police District (QCPD) laban sa tatlong nagtatagong kriminal na responsable sa brutal na pagpatay sa isang residente ng Barangay Del Monte, Quezon City noong 2015.

Ipinag–utos ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Supt. Guillermo Eleazar kay Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Head Police Supt. Rodel Marcelo na pamunuan ang pag-aresto kina Nicholas Dimagiba y Patricio, alyas “Nikki”; Don Pastrana y Masangya, alyas “Diego”; at Francisco Patricio y Torda, alyas “Kiko”.

Napag–alaman na muling umapela sa pamunuan ng QCPD ang pamilya ng biktimang si Jeffrey “Jeckjeck” De Castro y Alviz na pinatay may isang taon na ang nakalilipas.

Sa record ng CIDU-QCPD, noong Nobyembre 13, 2015, dakong 3:18 ng madaling araw, 14 na saksak sa katawan ang tinamo ni De Castro at ginilitan pa bago itinapon sa ilog sa West River-Side Street, Bgy. Del Monte, Quezon City. (Jun Fabon)

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'