TARLAC CITY – Pinaulanan ng bala ng apat na armadong magkakaangkas sa dalawang motorsiklo ang isang hinihinalang drug pusher sa Sitio Payatas, Barangay Matatalaib, Tarlac City, Martes ng hapon.

Kaagad na nasawi si Nolan Tadeo, 43, may asawa, ng Sitio Buno, Bgy. Matatalaib.

Sa isinumiteng ulat ni SPO1 Wilson Ducusin kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, dakong 2:45 ng hapon at nakaupo si Tadeo sa labas nang dalawang beses siyang barilin ng mga suspek.

Napag-alaman na nakuha pang makatakbo ni Tadeo, ngunit sinundan siya ng mga armado at muling pinagbabaril. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog