alan-copy

PUMANAW kahapon sa edad na 69 ang Canadian actor na si Alan Thicke, pinakakilala sa kanyang pagganap sa sitcom na Growing Pains noong 1980s at ama ng singer na si Robin Thicke, ayon sa kanyang spokeswoman.

“Alan’s sudden passing has been confirmed. At present, we have no further details,” saad ni Monique Moss sa isang email.

Inihayag ng isang source na malapit sa pamilya ni Thicke sa Reuters na inatake sa puso ang aktor at isinugod sa Providence Saint Joseph Medical Center, kung saan siya idineklarang patay na.

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

Iniulat ng celebrity news outlet ng TMZ na nakikipaglaro si Thicke ng hockey sa kanyang 19-anyos na anak na lalaki nang siya ay atakehin.

Inaasahang lalabas si Thicke sa Fuller House, remake ng kilalang 1990s na family sitcom.

“Season 2 Fuller House looking good. I even like the ones I’m not in!” saad ni Thicke sa kanyang tweet nitong nakaraang Martes. (Reuters)