RAMOS, Tarlac - Isang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang salvage victim ang natagpuan ng mga pulis sa tulay sa Barangay Pance sa bayang ito, malapit sa boundary ng Bgy. Sta. Ines, Paniqui, Tarlac.

May dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima, na nakasuot ng short pants na may kombinasyong itim at berde, balingkinitan, 5’4” ang taas, at naka-sweatshirt na dark blue.

Ang pagkakatagpo sa bangkay ay iniulat sa pulisya ni Jerry Rilles, 38, tanod sa Bgy. Sta. Ines, Paniqui.

Nakalagak ngayon ang bangkay sa Lotus Funeral Homes sa Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog