PASUQUIN, Ilocos Norte - Karumal-dumal na pagpatay ang sinapit ng isang barangay chairman matapos siyang paulanan ng bala na kanyang ikinamatay sa Barangay 20, Tabungao, Pasuquin.
Kinilala ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang biktimang si Zosimo Corpuz, 56, chairman ng Bgy. Sta. Catalina, Pasuquin.
Sa panayam kahapon kay PO2 John John Garan, sinabi niyang dakong 6:45 ng gabi nitong Biyernes at katatapos lang dumalo ni Corpuz sa Lantern Parade sa Poblacion at pauwi na sakay sa motorsiklo nang pagbabarilin ng armado.
Wala pang malinaw na motibo sa insidente, ngunit ikinokonsidera ng pulisya ang love triangle, pulitika at matagal nang alitan. (Liezle Basa Iñigo)