VICTORIA, Tarlac – Isang babaeng public school teacher ang nagreklamo ng snatching habang sakay sa kanyang tricycle sa Victoria-Pura Road, Barangay Bangar sa bayang ito, Martes ng hapon.

Nakasakay sa motorsiklo ang hindi nakilalang nanghablot sa shoulder bag ni Ma. Victoria Siobal, 42, may asawa, ng Bgy. San Agustin, Victoria.

Laman ng shoulder bag ni Siobal ang dalawang ATM card, GSIS e-card, P2,500 cash at iba pang mga dokumento.

Galing noon ang biktima sa Victoria United Methodist Church School sa Bgy. San Nicolas sakay sa kanyang tricycle (ID-5722) nang sundan siya ng suspek at pagsapit sa Bgy. Bangar ay hinablot ang shoulder bag ng guro.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, ang suspek ay balingkinitan, nakasuot ng itim na jacket at edad 30-40. (Leandro Alborote)