GAPAN CITY – Isang umano’y kilabot na drug suspect ang napatay makaraang umanong manlaban sa mga operatiba ng Gapan City Police sa buy-bust operation sa Riverside, Barangay San Vicente sa lungsod na ito, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan Police, kinilala ang napatay na si Ray Duca, nasa hustong gulang, residente sa nasabing lugar.

Dakong 8:50 ng gabi nang simulan ang operasyon hanggang sa makatunog umano si Duca na pulis ang mga katransaksiyong sina PO1 Jommel Elasco at PO1 Ace John Rayo, kaya nagtatakbo ito at bumunot umano ng baril para paputukan ang mga pulis.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Hindi natamaan ang dalawa ngunit nasapul si Duca nang gumanti ng putok.

Narekober sa crime scene ang isang .38 caliber revolver na may tatlong bala, tatlong basyo ng .9mm at plastic sachet ng hinihinalang shabu, na pag-aari umano ni Duca. (Light A. Nolasco)