LIAN, Batangas - Patay ang isang barangay kagawad matapos siyang pagbabarilin ng tatlong armado sa Lian, Batangas.
Kinilala ang biktimang si Edwardson Balbar, 38, kagawad ng Barangay Bagong Pook, sa Lian.
Ayon sa report ni SPO1 Michael Fronda, dakong 4:30 ng hapon nitong Martes at nakaupo si Balbar sa harap ng bahay ng kanyang biyenan nang pagbabarilin siya ng mga suspek na pawang naka-bonnet.
Nabatid sa record ng pulisya na kabilang ang kagawad sa mga bagong tukoy na drug personality sa Lian. (Lyka Manalo)