Tiniyak kahapon ni Agnes Devanadera, nagsilbing Department of Justice (DoJ) secretary at Solicitor General, na haharapin nito ang kasong graft na isinampa sa Sandiganbayan laban sa kanya kaugnay sa P6 billion compromise agreement ng isang government-owned and controlled corporation (GOCC) at ng isang British lending company noong 2006.

Ayon kay Devanadera, nakahanda na ang kanyang depensa laban sa kaso.

Sa record ng kaso, bilang government corporate counsel ay sinulatan umano ni Devanadera ang Philippine National Construction Corporation (PNCC) noong Enero 26 at Pebrero 10, 2006, at inirekomenda na pumasok na lamang sa amicable settlement sa Radstock Securites Limited kaugnay sa P2 billion utang nito 26 taon na ang nakararaan.

Paliwanag ng Office of the Ombudsman, walang kapangyarihan ang board of directors ng PNCC na pumasok sa isang compromise agreement, at hindi rin maaaring ilipat ng PNCC ang mga ari-arian nito sa isang private firm nang walang public bidding. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji