Sa gitna ng iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa, umapela ng pagkakaisa at kapayapaan si Pangulong Rodrigo R. Duterte ngayong Pasko.

Isinabay niya rito ang pananawagan sa mga Pilipino na suportahan ang giyera ng gobyerno laban sa ilegal na droga at kurapsiyon.

Inihayag ng Chief Executive ang kanyang panawagan nang pamunuan niya ang pagsisindi ng mga ilaw ng Christmas Tree sa Malacañan Palace grounds nitong Lunes.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na sinisikap ng pamahalaan na matupad ang kanyang mga pangako noong kampanya na magdadala siya ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa, pupuksain ang kurapsiyon at ang kalakalan ng droga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I plead for the unity of the country, that we shall be freed of the communal wars. I plead for the next generation that there will be Filipinos able, competent, healthy, and good,” sabi ng pangulo.



“I plead for peace so that our citizens can move around anytime of the day or night. And I ask everybody in government that together we will stop corruption,” dagdag niya.



Tungkol sa ilang dekada nang communist insurgency sa bansa, sinabi ng presidente na ang government peace panel na pinamumunuan ni Secretary Silvestre Bello III ay nakatakdang lumipad patungong Oslo, Norway sa Martes upang ipagpatuloy ang peace talks.



Sinabi rin ni Duterte na isinusulong din ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF). (Elena L. Aben)