Dalawang batang lalaki ang nasawi makaraang masabugan ng isang improvised explosive device (IED) na itinanim ng hindi nakilalang suspek sa Albarka, Basilan kahapon.

Batay sa ulat ng Albarka Municipal Police, kinilala ang mga namatay na sina Hamodi Anali, 10; at Alkodri Anali, 8; habang nasugatan naman sina Asalmodzri Anali, 15; at Albadal Anali, pawang taga-Albarka.

Ayon sa pulisya, naglalaro ang apat na biktima nang matuklasan nila ang isang bomba at pinulot ito, hanggang tuluyang sumabog.

Namatay ang dalawa sa mga biktima dahil sa malulubhang sugat na natamo.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Malaki naman ang hinala ng pulisya sa Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pambobomba. (FER TABOY)