IPINAGDIWANG ni Tyra Banks ang kanyang ika-43 na kaarawan nitong Linggo. Nadagdagan man ang edad ng Patron Saint of Smizing, tila hindi naman niya nararanasan ang side effect ng pagtanda, sa pagiging maganda at kabigha-bighani sa kabila ng edad.

Makabuluhan ang taon na ito sa dating host ng America’s Next Top Model. Nagsimula ito sa nakasosorpresang paghahayag na mayroon siyang anak na lalaki na si York Banks Asla, sa tulong ng surrogate.

Hindi ibinabahagi ni Banks ang mga larawan ng kanyang unang anak sa social media hanggang noong Hulyo nang mag-post si Banks sa Instagram. Ibinahagi niya ang larawan para ipagdiwang ang historic moment nang si Hillary Clinton ang unang babaeng tumanggap ng presidential nomination ng partido nito.

Sa kabila ng pagiging ina, hindi pa rin mapipigilan si Banks para ipakita ang kanyang legendary fierceness. Isang katunayan ang kanyang mga post sa Instagram. (People.com)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'