Patay ang isang skyway traffic auxiliary nang mabundol at masagasaan ng trailer truck habang abala sa pagmamando ng trapiko sa San Andres, Maynila kamakalawa.

Dead on arrival sa Philippine General Hospital (PGH) si Ricardo Fullece, 44, ng 761 Buli, Muntinlupa City, matapos masagasaan ng truck na minamaneho ni Marjoe Marabe, 36, driver, ng 1234 Barcelona Street, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Bert Francisco, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD)-Special Investigation and Detection Branch, dakong 12:10 ng madaling araw ay abala ang bikima sa pagmamando ng trapiko sa intersection ng Quirino Avenue at Pedro Gil Street, sa San Andres, nang mahagip ng truck (NUM-180) na hinihila ng Fuso tractor head (097437).

Dahil sa lakas ng pagkakatama ay nabuwal ang biktima at nasagasaan ng double tire wheel ng trailer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad si Marabe at kinasuhan na ng reckless imprudence resulting to homicide.

(Mary Ann Santiago)