KARACHI, Pakistan (AP) – Isang malaking sunog ang lumamon sa isang four-star hotel sa port city ng Karachi sa katimugan nitong Lunes, na ikinamatay ng 11 katao.

Mahigit 50 katao ang nagtamo ng mga pinsala sa sunog, na nagsimula sa kusina ng hotel, sinabi ni police officer Tauqeer Naeem. Hindi pa malinaw ang pinagmulan ng sunog, aniya. Apat sa mga namatay ay babae.

Sinabi ni Dr. Semi Jamali sa Jinnah’s Hospital ng Karachi na ilang banyaga ang kabilang sa mga ginagamot sa paso.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa