Ganap nang nakabawi mula sa natamong injury sa kanyang paa, nagbabalik at muling ipinamalas ang dati niyang porma ni JC Intal upang pamunuan ang Phoenix sa dalawang sunod na panalo sa nakalipas na Linggo.

Tinaguriang “Baby Rocket”, nagsalansan si Intal ng lima sa kanilang team-high na 22 puntos sa huling minuto ng laban kontra reigning Philippine Cup champion San Miguel Beer para ma-upset ang huli, 92-85 sa Antipolo City.

Apat na araw matapos ito, nagposte ang 6-foot-4 na si Intal na 24 puntos bukod pa sa pitong rebound upang pangunahan ang Fuel Masters sa 114-104 pagpapayukod sa wala pang panalong Mahindra Floodbuster.

Nakapagtala ang 33-anyos na dating Ateneo standout ng average na 23.5 puntos, 5.5 rebound at 2.0 assist sa naturang falawang dikit nilang panalo na naging dahilan upang mapili siya bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week noong Nobyembre 29-Disyembre 4.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Inungusan niya para sa lingguhang citation sina GlobalPort backcourt duo Terrence Romeo at Stanley Pringle, Meralco sophomore Chris Newsome, TNT ace guard Jayson Castro at sophomore big man Moala Tautuaa at Ginebra big man Japeth Aguilar.

“I’m happy that JC has fully recovered from his bone spur injury (on his foot) that sidelined him for almost the whole third conference,” ayon kay Phoenix coach Ariel Vanguardia.

Para kay Vanguardia ang high-flying Phoenix wingman ang kanilang franchise player.

“We didn’t really have much time yet together kaya this preseason was getting to know pa din on how he will fit in the system,” aniya.

“He is one of the hardest working players I’ve coached and even though he is considered our franchise player, he is willing to learn and very coachable,” aniya. (Marivic Awitan)