CAMP MACABULOS, Tarlac City - Isang malakas na pampasabog ang natagpuan sa basurahan sa Zone 3, Barangay San Isidro sa lungsod na ito, Linggo ng umaga.

Sa report ni SPO3 Alberto Caliolio, ang natagpuang M96 grenade ay posibleng inilagay ng mga nais maghasik ng kaguluhan.

Dakong 9:10 ng umaga nang matagpuan ng isang basurero ang pampasabog at ipinaalam ito kay Gabriel Quinto, 40, may asawa, barangay tanod, na kaagad namang nag-report sa Police Community Precinct 6 ng Tarlac City Police. (Leandro Alborote)

Probinsya

ZUMBAkbakan?' Zumba sa Koronadal City, nauwi sa rambol!