BATANGAS - Kapwa nasawi ang dalawang driver ng motorsiklo habang sugatan naman ang angkas nila matapos silang masangkot sa magkahiwalay na aksidente sa Batangas, nitong Linggo.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), namatay si Joshua Doctolero, 20, habang sugatan naman ang angkas niyang si John Kenneth Roca, 19 anyos.

Dakong 8:50 ng gabi nang sumalpok ang motorsiklong minamaneho ni Doctolero sa motorsiklong minamaneho ni Ailliam Torano, 47, sa national road ng Barangay Bihis, Sta. Teresita.

Nauna rito, dakong 7:15 ng gabi, nang bumangga ang motorsiklong minamaneho ni John Elmark Mercado, 26, sa Toyota Avanza ni Arnold Contreras, 34, sa Bgy. Puting Kahoy sa Lian.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Dead on arrival sa Apacible Memorial District Hospital si Mercado, habang nasugatan ang angkas niyang si Jessalyn Mercado, 32 anyos. (Lyka Manalo)