DAVAO CITY – Inutusan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang bike-riding cops sa lungsod na ito na humanda nang makibahagi sa paglaban sa terorismo.

Naging panauhin si Duterte sa Graduation Ceremony of the Motorcycle Riding Course (MCRC) Class 06-2016 sa Felis Resort Complex Convention Hall, Matina Aplaya, sa siyudad na ito, nitong Biyernes.

“I’d like to warn you in the coming days. We will be facing a serious problem, aside from drugs. Okay na ‘yung drugs.

Hayaan mo na lang ‘yung mga operating unit,” ani Duterte.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi ni Duterte na ang mga opisyal ng pulis ay mangunguna sa giyera ng Pilipinas laban sa droga sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Ang pagtutok sa ibang laban ay isasagawa ngayong nakikita na ni President Duterte ang paglakas ng giyera laban sa bawal na gamot.

Sinabi ni Duterte na magsasagawa siya ng pormal na pahayag sa susunod na linggo, pagkatapos ng pakikipagpulong sa high-ranking security officials.

“’Yan ang danger nakikita namin, maybe the next two, three years. Bantay kayo. Kalaban mo diyan... ‘Yan ang pinakadelikado,” aniya. (Yas D. Ocampo)