Nagpahayag kahapon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng kahandaang mag-inhibit sa preliminary investigation tungkol sa mga kasong kriminal laban kay Senator Leila de Lima, ngunit tumangging ilipat ang mga ito sa Office of the Ombudsman.

“I myself will inhibit. No problem with me,” pagtitiyak ni Aguirre.

Nag-react ang kalihim sa omnibus motion na inihain ng senadora sa Department of Justice (DoJ) na humihiling kay Aguirre na mag-inhibit, kasama ang grupo ng mga prosecutor, sa mga kaso ng senadora.

Iginiit na biased si Aguirre at ang mga prosecutor, ipinaliwanag ni De Lima sa kanyang mosyon na “these officials should inhibit themselves and instead refer the cases to the Office of the Ombudsman.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, sinabi ni Aguirre na hindi maaaring mag-inhibit sa kaso ang grupo ng mga prosecutor.

“They can’t, otherwise no one will investigate,” paliwanag niya.

Apat na magkakahiwalay na drug complaint ang inihain sa DoJ laban kay De Lima ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC); nina dating National Bureau of Investigation (NBI) deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala; ng high-profile Bilibid inmate na si Jaybee Sebastian; at ng NBI. (Jeffrey Damicog)