MEDELLIN, Colombia (AFP) – Ipinasara ng mga awtoridad nitong Huwebes ang Bolivian charter airline na ang eroplano ay nawalan ng gasolina at bumulusok sa kabundukan ng Colombia. Namatay sa aksidente ang 71 katao, kabilang ang halos buong Brazilian football club na Chapecoense.

Inihayag ng Bolivia na sinuspinde ang permit ng charter company LAMIA at iniutos ang imbestigasyon sa operasyon nito.

Suspendido rin ang executive staff ng civil aviation authority at airports administrator habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sinisilip ng mga imbestigador ang pilot error at problema sa air traffic control bilang mga posibleng dahilan ng trahedya noong Lunes ng gabi.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa