Ipinaaaresto na ng Sandiganbayan si dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol III kaugnay ng pagkakasangkot sa umano’y tangkang pangingikil ng $30 million sa kumpanyang Czech na Inekon noong 2012.

Itinakda na ng hukuman ang P60,000 piyansa ni Vitangcol sa kasong graft, gayundin para sa umano’y “emissary” nitong si Wilson de Vera, opisyal ng Phililppine Trans Rail Management and Services Corporation (PH Trams), para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.

Batay sa record ng kaso, sinabihan umano ni De Vera ang mga kinatawan ng Inekon Group na makukuha nila ang kontrata para mag-supply ng mga bagon ng mga tren ng MRT-3 kung magbibigay umano ng P$30 million kay Vitangcol.

Nabunyag ang sinasabing katiwalian nang lumantad sa media si Ambassador to the Philippines Josef Rychtar upang ilahad ang nalalaman niya sa usapin.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Kamakailan, inihayag ng Office of the Ombudsman na nagsabwatan sina Vitangcol at De Vera upang makakuha umano ng pabor sa Inekon, gayundin ng kontrata para sa pagmamantine sa linya ng tren. (Rommel P. Tabbad)