Disyembre 2, 1995, nang maging No.1 ang “One Sweet Day”, ang awiting ini-record nina Mariah Carey at Boyz II Men, sa Billboard Hot 100 Singles chart.

Ito ay mismong isinulat nina Carey at Boyz II Men, katuwang si Walter Afanasieff, ang syrupy pop soul ballad ay tungkol sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, kung gaano binalewala ng karakter ang presensiya ng namatay na mahal sa buhay, at sa posibilidad na muli niya itong makita sa kabilang buhay. Sina Carey at Afanasieff ang co-producer ng nasabing awitin.

Nanatiling nanguna ang “One Sweet Day” sa loob ng 16 na linggo, at binasag ang record bilang longest-running No. 1 single sa Hot 100, hanggang Marso 16, 1996, nang mahigitan ito ng “Because You Loved Me (‘Theme From ‘Up Close and Personal’) ni Celine Dion. Makalipas ang halos 21 taon, hindi pa rin ito natinag ng kahit anong Hot 100 No. 1 song.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon