amanda-copy

NAGDADALANTAO si Amanda Seyfried sa kanyang unang anak kay Thomas Sadoski.

Iniulat ng People magazine ang pahayag ng aktres na ipinakita ang baby bump sa New York noong Martes. Dumalo sa event ng Givenchy si Seyfried nang araw na iyon. Spokesmodel ng nasabing fashion label ang 30-anyos na aktres.

Iniulat din ng People na ito ang magiging unang anak ni Seyfried sa kanyang fiancé at aktor na si Sadoski.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagkakilala ang magkasintahan noong nakaraang Marso habang nagtatrabaho sa off-Broadway show at naging engaged nitong Setyembre.

Sumikat si Seyfried sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Mean Girls at Les Miserable.

Naging bida rin siya sa Big Love ng HBO. (AP)