MALIKOT pala talaga sa aparato ang kilalang drama actor. Kahit may mga anak na sa hiniwalayang asawa at ganoon din sa mga nakarelasyon ay tuluy-tuloy pa rin ang premyadong actor sa kanyang hilig sa laman.

Kuwento ng aming very reliable source na naging kaibigan ng drama actor, isa sa mga pinakahuling biktima ng aktor ang Pinay model na na-meet at nakakilala sa isa sa mga sikat na lugar sa Mindanao.

Nakatrabaho raw ng actor ang model sa isa sa mga ginagawang pelikula. Dahil maganda, super OPM si Actor at siyempre dahil guwapo at habulin naman talaga ng mga babae, agad bumigay ang model, huh!

Maganda at seksi si Model, pero may malaking problema, malapit na pala sana itong ikasal sa foreigner boyfriend.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi sana mabubuko ng mapapangasawang foreigner na pinakialaman ni Actor ang kanyang fiancee pero ang siste, biglang nagkaroon ng karamdaman si Girlalu at nang magpatingin sa doctor ay natuklasang may STD ito!

Kuwento ng source, super cry si Model. Kung bakit naman sa kamalas-malasan, kasa-kasama nitong nagpapatingin sa doctor ang Amerikanong boyfriend.

“Hayan, tuloy na call-off ang engagement ni _____ (Pinay model) at ng Kano niyang boyfriend,” sey ng source namin.

Sa pamamagitan ng Facebook ay nakumpirma namin na nagkasama nga ang model at ang drama actor dahil may mga kuhang larawan na magkasama sila na talaga namang very sweet sila sa isa’t isa.

May bonus na kuwento pa ang aming source, na ang drama actor ay nagkaroon din pala ng one-night stand sa isang bading na nakapangasawa ng isang dating Starstruck contestant.

“Naku, akala kasi ni ______ (actor) babae ‘yung ginalaw niya pero huli na nang malaman niya na bading pala,” sey pa ng source na sumumpa pa sa amin na totoo ang kuwento niya. (Jimi Escala)