CAPAS, Tarlac - Nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan ang driver ng motorsiklo gayundin ang dalawang nasagasaan niya habang tumatawid sa Manila-North Road, Barangay Talaga sa bayang ito, nitong Miyerkules ng gabi.

Isinugod sa Ospital Ning Capas si Reynaldo Castro, 52, may asawa, driver ng Yamaha Mio motorcycle (XN-1307), ng Mabalacat City, Pampanga, habang nasa Central Luzon Doctors’ Hospital naman sina Jesusa Sibal, 26, dalaga, ng Sitio Small Tokyo, Bgy. Sto. Rosario; at Janel Flores, 22, dalaga, ng Bgy. Talaga, Capas.

Ayon kay PO3 Arthur Alzadon, patimog ang takbo ni Castro nang mabangga niya ang tumatawid na sina Sibal at Flores. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?