Magsasagawa ng anti-contractualization rally ang mga pangunahing grupo ng mga manggagawa sa Metro Manila ngayon, habang ginugunita ng bansa ang ika-153 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Sinabi ng presidente ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), si Leody de Guzman, na sasali sila sa mga demonstrasyon ngayon upang ipaalala kay Pangulong Duterte na tuparin ang kanyang pangako noong nangangampanya na ipatitigil na niya ang lahat ng uri ng contractual employment.

“It’s been six months since Duterte won the Presidency by riding on the wave of the people’s anger at the previous administration and their yearning for real change. And yet the people still cannot see even just the shadow of change looming in the horizon,” sabi ni De Guzman, tinutukoy ang kakulangan ng kautusan ng gobyerno sa contractualization.

Ang iba pang labor groups na sasali sa mass protest action ngayon ay ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at ang Kilusang Mayo Uno (KMU).

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Magtitipun-tipon ang mga raliyista sa Welcome Rotonda bago tumungo sa Mendiola malapit sa Malacañang.

Bukod sa panawagan ng pagbuwag sa kontraktuwalisasyon, kinokondena rin ng labor groups ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. (Samuel P. Medenilla)