kris-at-boy-copy

MATAGAL nang hindi nagkakausap sina Boy Abunda at Kris Aquino kaya walang alam ang una sa Instagram post ng huli na, “ABS-CBN no longer wants me.”

Kabaligtaran ang pananaw ni Kuya Boy sa maraming nagulat sa post na ito ni Kris na nagsasabing bakit kailangan pa raw nitong sabihin, baka lalong mainis sa kanya ang management.

“Ang pinanggagalingan na ngayon ng reaksiyon dapat sa puso,” sabi ni Kuya Boy nang mainterbyu namin nitong nakaraang Lunes ng gabi, “that’s why the word of the year ng Oxford ay ‘post truth.’ (‘Kaso) hindi nga, eh. Dapat sa ating mga nakakatanda, ang basehan ng mga reaksiyon ay hindi likes, hindi bashers.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“’Yung sinabi ni Kris, hindi ko alam kung makakabuti sa kanya o hindi. Dati sinasabi nila, bawal magmura ‘pag eleksyon, pero ngayon ito ang gusto ng tao. So, it’s time for examination. Malay mo, tayo ang nagpapakapormal, baka naman gusto nakaupo lang tayo, pormal, eh, wala tayong nakikita. Baka naman si Kris is experimenting, hindi ko alam.”

Pero alam ng Tonight With Boy Abunda host ang pamimili ni Kris nitong weekend sa Hong Kong ng equipment na gagamitin sa kanyang digital/online program.

“’Yung mga detalye ng binili, hindi ko alam,” kaswal na sabi ni Kuya Boy.

Bilang isa sa mga manager ni Kris, mga staff pa rin ni Kuya Boy ang kasa-kasama ni Kris sa mga importanteng lakad.

“Kapag may booking ngayon, sinasamahan siya, like sa Davao kasama ako, kasama sa lahat. Wala namang problema ‘yun,” kaswal niyang sabi.

Saang network ba talaga magkakaroon ng programa si Kris?

“Wala pa, the closest that I would guess is siyempre Channel 7. Ito usapang klaro, kasi si Tony Tuviera supplies talents. But Tony is not exclusive to Channel 7, so hindi ko alam.

“Naniniwala ako na hindi lulubog ‘yang babaeng ‘yan. Don’t worry about her, let’s worry about ourselves, ha, ha, ha,” tumawang sabi ni kuya Boy. “Magandang quote ‘yan. She’ll be okay.” (REGGEE BONOAN)