SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Hindi nagawang makapalag sa anti-drugs operatives ng San Jose City Police ang isang dating barangay kagawad na target ng search warrant matapos siyang makumpiskahan ng mga sachet ng hinihinalang shabu at marijuana sa Sitio Tanibong, Barangay Abar 1st sa lungsod na ito, nitong Linggo ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Reynaldo SG Dela Cruz, hepe ng pulisya, naaresto si Francis Hernaez, alyas “Bato”, 42, may asawa, palay agent at residente sa nasabing lugar.

Nasa drug watchlist ng pulisya, nasamsam sa bahay ni Hernaez ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang plastic sachet ng marijuana at drug paraphernalia.

Kakasuhan siya sa paglabag sa Section 11 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!