tina-sheryl-at-manilyn-copy

TOTOHANAN na ang pagbabalik bilang Kapuso ni Tina Paner sa pamamagitan ng bagong primetime romantic-comedy series na Meant To Be na pinagbibidiahan ni Barbie Forteza kasama ang kanyang apat na bagong leading men.

Magsisilbi rin itong reunion nila ng mga kaibigan niyang sina Sheryl Cruz at Manilyn Reynes kaya balik na rin ang tawag sa kanilang Triplets.

Hindi naman nawawalan ng project si Tina sa GMA-7 pero this time, mas masaya siya dahil kasama niya ang dalawang kaibigan na nabuo noong panahon ng That’s Entertainment ni Kuya Germs Moreno.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Bakit niya naisipang tuluyan nang mag-comeback sa Kapuso Network?

“Sa akin naman kasi, I was part of GMA na before, nu’ng ginagawa nga namin ang That’s Entertainmnet,” sagot ni Tina.

“Kaya sabi ko, wala namang masama kung sa edad ko ngayon, dito pa rin ako sa GMA bumalik, kung saan ako nagsimula, siguro naman p’wede ring dito ako muling bumalik.”

No worries si Tina sa pagganap sa mother roles dahil malaki na rin nga ang only daughter niya.

“Mamimili pa ba naman ako ng role at saka hindi naman ako binibigyan ng GMA-7 ng roles na hindi ko kayang gampanan, kaya labis-labis ang pasasalamat ko na welcome pa rin ako na maging isang Kapuso.”

Ang tanong, magpapatawa ba o magpapaiyak ang Triplets sa gagawin nilang show? Abangan sa Meant To Be sa pagpasok ng 2017. (NORA CALDERON)