BEIRUT (AFP) – Halos 10,000 sibilyan ang tumakas sa magulong silangan ng Aleppo patungo sa mga distritong hawak ng gobyerno at sa Sheikh Maksoud, ang pamayanang kontrolado ng mga Kurdish, sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights noong Linggo.

Nabawi ng mga puwersa ng pamahalaan ang anim na distritong hawak ng mga rebelde sa silangang Aleppo nitong weekend.

Napilitan ang maraming sibilyan na tumakas sa pagtindi ng opensiba ng pamahalaan nitong Linggo para bawiin ang ikalawang lungsod ng Syria.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa