Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipauna na sa operasyon ng security forces ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander na umano’y nagtayo na ng sariling gobyerno sa Mindanao.
Target ng Pangulo si Abdullah Macapaar alyas Kumander Bravo.
“Meron na siya (Bravo) doong gobyerno sa Mindanao and most of constituents really are also Moros.
“Pag nagkasala ka doon kulong ka, hulihin ka niyan. ‘Pag ano ka, drug pusher ka, bayad ka lang sa kanya, siya ang magsentensya,” ayon sa Pangulo.
Nagpapautang din na may malaking tubo si Bravo, ayon pa sa Pangulo. “Mag-utang ka. Bayad ka sa kanya P10,000. Sabihin niya doon sa libro niya, sa treasurer na ‘yung P5,000 kanya.”
Binigyang diin ng Pangulo na sa mga susunod na araw ay ipag-uutos niya sa security forces na “unahin na” si Bravo sa kanilang operasyon. - Genalyn D. Kabiling