richard-copy-copy

NILINIS ni Kerwin Espinosa sa ginanap na hearing sa Senado ang pangalan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na matatandaang napasama sa isang listahan ng mga taong diumano’y sangkot sa drug trade sa Leyte.

Nang tanungin ng ilang senador ang drug lord ng Eastern Visayas na si Espinosa, kanyang sinabi na walang naganap na pakikipagtransaksiyon sa actor-politician.

“’Di kaya ako barilin niyan? MAD ‘yan, wala ‘yang kaalam-alam,” namutawing mga kataga mula sa bibig ni Kerwin nitong nakaraang Miyerkules, November 23 sa Senate hearing.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nakaramdam ng vindication si Richard nang mapanood ang testimoniya ni Espinosa.

“Sinabi ko talaga ‘yan dati, dito sa Ormoc, na ‘pag nagkaron tayo ng problema sa droga, magbabarilan talaga tayo dito,” wika ni Richard nang makapanayam ng ABS-CBN News. “It’s really a vindication na talagang from the start sinabi ko talaga na wala kaming kinalaman sa drug trade na ‘yan.”

Sabi ni Richard, may suspetsa siya na si Chief Inspector Jovie Espenido ng Albuera, Leyte ay ang “mastermind” sa likod ng mga alegasyon sa kanya.

“He is really the mastermind of all these. Makikita mo naman lahat ng question sa Senate, hindi niya talaga madugtong-dugtong, hindi niya maitahi ang istorya niya,” sabi ni Goma.

Nalinis man ang kanyang pangalan, sabi ng actor-politician, itutuloy pa rin niya ang kasong kanyang isinampa niya laban kina Espenido at CIDG’s Chief Inspector Leo Laraga at Heidi Yutrago dahil sa pangdadawit sa kanyang pangalan sa drug trade.

Nakikita ni Richard na malakas ang kanyang laban dahil na rin sa mga sinabi ni Espinosa sa Senate hearing.

(ADOR SALUTA)