Bulagta ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bahay na ginagawang drug den sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, kinilala lamang sa alyas na “Bakal”, ang napatay na suspek.

Base sa report, dakong 1:00 ng madaling araw, may nagsumbong sa mga pulis na may mga nagsa-shabu sa isang bahay sa Libis Espina, Barangay 20, Caloocan City.

Kaagad pinuntahan ng mga parak ang lugar kung saan inabutan nila sa labas ng bahay si Bakal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang makahalata si Bakal, pinaputukan umano niya ang paparating na mga pulis hanggang sa napilitang magpaputok ang mga awtoridad na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek.

Narekober ang cal. 22 at hindi madeterminang dami ng shabu. (Orly L. Barcala)