ALEPPO (Reuters) — Ilang containers ng kemikal na pinaghihinalaang chlorine ang ibinagsak ng mga helicopter sa balwarte ng mga rebelde sa silangan ng Aleppo noong Martes, at ilang mamamayan ang nahirapang huminga, sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights at local health authority.

Ayon sa Britain-based war monitor, nakita ng sources nito ang apat na barrel bombs na ibinagsak sa pamayanan ng al-Qaterji at Dahrat Awad, at ngangamoy chlorine ang paligid. Tiniyak ng medical sources Observatory na chlorine ang nasabing gas.

Itinanggi ng Syrian authorities na gumagamit sila ng chemical weapons sa digmaan. Tahimik naman ang Islamic State.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa