Kinansela ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol ang lahat ng import permit ng agricultural products, dahil sa patuloy na recycling at technical smuggling.

Nilinaw ni Piñol na hindi nila pinahihinto ang importasyon dahil layunin lamang nila na malipol ang smuggler sa bansa. “We have to do this to make sure that all permits are no longer recycled,” aniya.

Tiniyak ng Kalihim na walang epekto sa ekonomiya ang kanyang hakbang. Ipinaliwanag niya na kinakailangan lamang na mag-update sa DA Central Office ng mga negosyanteng may hawak na valid import permit. (Rommel P. Tabbad)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists