LIAN, Batangas - Dead on arrival sa Metro Medical Center ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Lian, Batangas.
Ayon sa report ni PO3 Marco Antonio Villafria, dakong 12:30 ng tanghali nitong Lunes at nagmomotorsiklo si Danilo Calimlim, 60, ng Barangay Matabungkay, patungo sa Balibago nang pagbabarilin sa Sitio Bungahan.
Nakatakas ang suspek sakay ng hindi naplakahang SUV.
Nabatid sa record ng pulisya na nasa drug watchlist ng Lian Police si Calimlim. (Lyka Manalo)