Sanib-puwersa ang pulisya at sundalo sa Pilipinas sa manhunt operation laban sa mga suspek sa mga pagdukot sa karagatan sa silangang bahagi ng Sabah.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, anim sa 23 indibidwal na kinilala ng Malaysian authorities ay konektado sa kaso ng kidnapping sa Sabah, at may arrest warrants sa Pilipinas, habang 16 ang pininiwalaang nagtatago sa mga probinsiya ng Sulu at Basilan.

Kabilang sa anim na indibidwal na may outstanding warrants of arrest sina Apo Mike alyas “Majan Sahidjuan”, Hatib Hayan alyas “Sawadjaan”, Alden Bagde alyas “Sayning”, Muamar Askali alyas “Abu Rami”, Idang Susukan, at Alhabsy Misaya.

Inilabas kamakailan ng Eastern Sabah Security Command (ESSCOM) ang mga pangalan ng 23 indibiduwal na sangkot sa mga pagdukot sa baybayin ng Sabah at 16 sa kanila ang pinaghahanap ng mga awtoridad ng Pilipinas. Sila ay sina Salvador alyas “Badong Muktadil”, Salip Sosong alyas “Mohamad Apsa Abdulla”, Halipa, Ibrahim, Sabri Madrasul alyas ”Salip Jul”, Las Pangit, Marajan Asiri, Raden Abuh, Bocoi, Sangbas, Berong Sairol alyas “Boy Master”, Bensaudi Sairol alyas “Boy Pangit”, Boy Intel, Atai Susukan, Durog Hussein at Saidul Idul. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20