jordan-obama-copy

WASHINGTON (AP) — Ipinagkaloob ni US President Barack Obama ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa sibilyan sa 21 aktor, musician, atleta at innovator.

“Everybody on this stage has touched me in a very powerful, personal way, in ways that they probably couldn’t imagine,” pahayag ni Obama sa isang oras na programa nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa White House East Room.

Ibinibigay ang Presidential Medal of Freedom bilang pagkilala sa nagawang kontribusyon ng mga sibilyan para mapataas ang kamalayan at kultura ng bansa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kabilang sa mga pinarangalan sa kampo ng Hollywood sina Tom Hanks, Robert De Niro, Robert Redford at Cicely Tyson.

Nanguna naman sina basketball icon Michael Jordan at Kareem Abdul-Jabbar sa hanay ng mga atleta.

“There is a reason you call somebody ‘the Michael Jordan of,” sambit ni Obama.

“The Michael Jordan of neurosurgery, or the Michael Jordan of rabbis, or the Michael Jordan of outrigger canoeing. Everyone knows what you’re talking about.”

Pinapurihan din sina Bruce Springsteen at Diana Ross sa mundo ng music. Kasama rin sa pinarangalan sina Ellen DeGeneres at broadcaster Vin Scully.