GAPAN CITY, Nueva Ecija – Isang 54-anyos na jail officer ang pinatay ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa ibabaw ng tulay sa Barangay Sto. Niño, nitong Lunes ng madaling-araw.

Batay sa ulat ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan Police, nakilala ang biktimang si Melando Castrillo Moulic, Jr., nakatalaga sa Bulacan City Jail, at residente ng Bgy. Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 4:45 ng umaga at nagmamaneho ng tricycle si Moulic papasok sa trabaho nang harangin at pagbabarilin siya ng mga suspek sa gitna ng Doña Josefa Bridge.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog