KALIBO, Aklan – Kinasuhan ang isang Taiwanese matapos mahuli umanong nagbebenta ng ilegal na droga sa isla ng Boracay sa Malay.

Naaresto si Wei Tang Yao, 54, sa buy-bust operation sa Sitio Bulabog, Barangay Balabag, Boracay, at nakumpiskahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu at P1,000 marked money.

Kinasuhan na ang suspek sa Aklan Provincial Prosecutor’s Office. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito