Isang 35-anyos na lalaki ang nasawi makaraang pagtatagain ng hindi nakilalang suspek sa loob ng isang barung-barong hindi kalayuan sa kanyang bahay sa Vitas, Tondo sa Maynila nitong Linggo.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong 10:00 ng umaga nang madiskubre ni Fernando Castro ang bangkay ni Ronald Magturtor, residente ng Temporary Housing sa Vitas.

Ayon kay Castro, kauuwi lang niya sa kanyang barung-barong sa Road 10 nang makita niya ang duguan at wala nang buhay na biktima na nakadapa sa hagdan patungo sa mezzanine, nakahubad-baro, nakasuot ng maong pants at walang sapin sa paa.

Nabatid sa pagsisiyasat ng mga pulis na ang mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ni Magturtor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, walang sinuman sa lugar ang makapagbigay ng detalye kung paano isinagawa ang pagpatay at sino ang may kagagawan nito. (Mary Ann Santiago)