vladimir_putin_2015-copy

LIMA, Peru (AP) — Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkita at nag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian

President Vladimir Putin.

Si Putin, na ayon kay Duterte ay kanyang “favorite hero”, ay tuwang-tuwa naman umano sa PH leader.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kasabay ng bilateral talk, binati ni Putin si Duterte at sinabing “bright day” ang panalo ng huli noong Mayo 9 dahil petsa ito ng Russian holiday, kung saan ginugunita ang panalo ng Russia laban sa Nazi Germany.

Sinabi rin ni Putin na mabilis umanong nakabuo ng partnership si Duterte sa pagitan ng Pilipinas at Russia, kaakibat ang pagkakaroon ng lubusang tiwala at kumpiyansa.

Samantala sa kanilang pag-uusap, muling binira ni Duterte ang United States (US) at Western nations.

Sa kanilang pulong sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), habang pinupuri ni Duterte bilang “great country” ang Russia, tinawag naman nitong bully at hypocrites ang US at iba pang Western nations.

Inilahad din ng Pangulo kay Putin ang pagkilos ng US military sa Vietnam, Afghanistan, Iraq at Korean peninsula.

Hindi umano patas ang trato ng Amerika sa Pilipinas bilang kaalyado sa mga tratado, dahilan upang mas gusto ni Duterte na makipag-ugnayan sa Europe.

Dati umanong nadikit sa Western world si Duterte, kwento pa niya kay Putin. “Of late, I see a lot of these Western nations bullying small nations. And not only that, they are into so much hypocrisy,” dagdag nito.

Pangako sa China

Sa iba pang ulat, nangako si Duterte sa kanyang Chinese counterpart na ililinya niya ang kanyang foreign policy sa China-led Asian economic development.

Ang pangako ay binitawan ni Duterte kay Chinese leader Xi Jinping, sa kanilang pag-uusap sa sidelines ng APEC summit.

“We will cooperate with you,” pahayag ni Duterte kay Xi. “With my thrust of an independent foreign policy, we will find ourselves mutually agreeing in so many things and align our foreign policy towards the development of Asia, strengthening of ties among the countries in the region, with China leading the way in the economic development,” dagdag pa ni Duterte.