LUCKNOW, India (AP) – Nakalas at tumilapon sa riles ang 14 na bagon ng isang pampasaherong tren noong Linggo ng umaga, na ikinamatay ng 45 katao at ikinasugat ng mahigit 120 iba pa sa hilaga ng India, sinabi ng mga opisyal.

Nangyari ang aksidente dakong 3:10 ng umaga malapit sa Purwa, isang pamayanan malapit sa industrial city ng Kanpur.

Nalukot ang ilang bagon na tumilapon at tumama sa iba pang bagon. Daan-daang pasahero ang nakulong sa loob ng 14 bagon.

Hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagkadiskaril ng mga bagon.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa