Isasagawa muli ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pinakaaabangan na aktibidad sa pagtatapos ng taon na Zumbathon na siyang culminating activity ng family-oriented, community bonding at physical fitness sports program na PSC Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN sa Disyembre 18.

Ito ang inihayag ni PSC Area coordinator Julia Llanto sa muling dinumog na aktibidad sa Burnham Green ng Luneta Park Linggo ng umaga upang lalong makapaghanda ang nakikilaro’t-saya hindi lamang sa mga laro na arnis, badminton, chess, football, karatedo, lawn tennis, volleyball at Zumba.

“Marami talaga ang nagtatanong sa atin at maging sa webpage natin about the Zumbathon, so ngayon pa lang makakapaghanda na agad sila,” sabi ni Llanto.

Samantala, umabot sa kabuuang 1,029 ang sumali sa Laro’t-Saya sa Luneta Park sa arnis (34), badminton (100), chess (3), football (66), karatedo (23), lawn tennis (33), volleyball (90), senior citizens (7), sepak takraw (8) at Zumba (665).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Laro’t-Saya sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City ay sinalihan naman sa arnis (25), badminton (52), football (10), taekwondo (12), volleyball (32), senior citizen (16) at Zumba (256) para sa kabuuang 403 katao. (Angie Oredo)