SEOUL ( Reuters) – Sisimulan ng People’s Party ng South Korea ang paglikom ng lagda para sa impeachment motion laban kay President Park Geun-hye, habang rerepasuhin naman Democratic Party ang mga kondisyon para sa impeachment, sinabi ng tagapagsalita ng partido ng oposisyon nitong Lunes.

Sinabi ng South Korean prosecutors noong Linggo na naniniwala silang kasabwat si Park sa influence-peddling scandal na yumanig sa kanyang administrasyon.

Kinasuhan na ang matalik na kaibigan ni Park na si Choi Soon-sil at dating presidential aide An Chong-bum ng abuse of power sa panggigipit sa mga kumpanya na magbigay ng pondo sa mga foundations na nasa sentro ng eskandalo.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo