aiza-viola-at-liza-copy

SA isang donut outlet sa JFK International Airport terminal sa New York nakita ni Aiza Seguerra ang iniidolong American producer, film, stage and TV actress na si Viola Davis. 

Si Davis ay nakilala sa mga pelikulang Kate & Leopold (2001) at Far From Heaven (2002), at sa TV series na Law & Order: Special Victims Unit. Nanalo siya ng 2001 Tony Awards for Best Featured Actress in a Play para sa original productions ng King Hedley II. 

Nakapila ang singer at National Youth Commission (NYC) Chair para bumili ng kape para sa misis na si Liza Diño habang naghihintay ng kani-kanilang flight patungong Los Angeles at San Francisco, respectively, nang makilala ni Aiza ang boses ng taong nasa harapan niya. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Patungong Los Angeles, California si Aiza para um-attend sa taunang Gawad Amerika at dadalo naman si Liza para sa isang fundraising event ng PAWA (Philippine American Writers Association) sa San Francisco. 

Hindi naitago ni Aiza ang excitement nang makaharap si Viola Davis. Sa kanyang Facebook wall ibinulalas ni Aiza ang kanyang nararamdaman, saad niya, “Homaaaaaygaaaahdddd!!!! Nakapila ako sa Dunkin Donuts para bumili ng kape for my misis nang bigla na lang ako natulala dahil parang pamilyar ‘yung taong nasa harap ko na bumibili ng kape. Tapos biglang nagsalita! Homaaaaaaaygaaaaaaahdddd!!! Si Viola Davis!!!! I ran back to Liza para sabihin sa kanya tapos after ilang minutes, umupo sa harap ko dito sa terminal! Homaaaaaygaaaaaaaaahddddd!!!!Natata_ ako!!!!!!”

Agad kaming nagpadala ng private message kay Liza, chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na agad din namang tumugon sa ilang katanungang ibinato namin sa kanya. 

“Si Aiza STARSTRUCK. Walang masabi. Ako pa nagsalita para magpa-picture. Kakatawa siya! As in tulala siya! Super love nya grabe si Viola,” sagot niya sa amin via Facebook messenger. 

Pero fan mode din si Liza nang makaharap na ang Hollywood celebrity, sabi niya sa kanyang FB post: “Uuuhhhh, Viola Davis is right in front of us and she just said yes to a PHOTO!Aaaaahhh...#fanmode on! I wanna pee in my pants right now. Idol!!! Plus she’s super NICE!”

Nakatakdang bumalik ng bansa ang mag-asawang Aiza at Liza ngayong araw pagkatapos ng halos dalawang linggong pananatili sa Amerika. (LITO MAÑAGO)